"Dahil May Pangarap"
Makaranas ng hirap na di matatawaran
Gusto man kumawala sa sitwasyon
Pero panahon ay di sumasang-ayon
Nagpatuloy ako sa takbo ng buhay
Umaasa na gaganda ang pamumuhay
Sa kabila ng hirap na dinaranas
Determininasyon ko'y di maaagnas
Sapagkat gusto kong sarili umangat
Sa Diyos nananalig nang buong tapat
At dapat kasipagan ay sapat
Para bagay ay sumang-ayon sa lahat
Dahil ako'y may pangarap na di matitibag
Ni sinuman ako'y di matitinag
Saan man ako dalhin ng panahon
At sa buhay na puno ng alon
Mananatili akong mahinahon
Alam kong bukas gaganda rin ang panahon
Makarating man ako sa tuktok ng pangarap
Ako'y nagpapasalamat sa matinding hirap
Dahil ito'y nagbigay-daan na ako'y mangarap
Para magkakulay ang darating na hinaharap
Kaya patuloy lang ang aking laban
Sa buhay na di alam ang kasigurasuhan
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Pwede kana gumawa ng #Libro at ibenta mo sa National Bookstore :O @jassennessaj SteemitTula
Amen!
@chuuuckie
VLOGS | REVIEWS | PHOTO
galing ng akda, pati mga tugma,
ang iyong talento ay nakakamangha
umaasa akong ito ang simula
ng isang koneksiyon na nakatadhana
👍👏 😍❤️❤️❤️
Isang kong silent reader pero lumitaw na ngayon. Hahahah!!.
Sa totoo aliw na aliw ako magbasa ng mga tula mo lalo na at tagalog. Hindi kailangang malalim ang importante may damdamin.
Twing napapadaan ako sa pahina mo, ginaganahan akong magsulat ng tula.
Sana masilip mo yung ilang nagawa ko.
https://steemit.com/poetry/@smafey/filipino-poetry-panahon
https://steemit.com/poetry/@smafey/filipino-poetry-gabi
https://steemit.com/poetry/@smafey/filipino-poetry-ulan
https://steemit.com/poetry/@smafey/takot
Yung iba dyan ay lagpas pitong araw na, pero matutuwa ako ng husto kung sisipatan mo ng ilang minuto ang ilang gawa ko. Husgahan mo hanggat maaari. Magigig malaking tulong iyon para sa akin.
Salamat!
-Fey
magnificent poem -as always! ",
thumbs up!
Sa totoo lang di ako nagbabasa ng tula , pero mula nang mabasa ko ang isang obra mo di ko mapigilan silipin at basahin ang mga ito☺