Babala, ang kathang ito ay orihinal na nilathala ng awtor at ito'y kathang isip lamang. Walang kinalaman ang emosyon at pur imahinasyon lamang.
"Akala Ko Lang"
Akala ko ikaw na ang mananatili
Na aking makasama at makatabi
Mula umaga, tanghali, hapon at hating-gabi*
Dun nagkamali kasi "Akala ko lang" pala
Nagkamali sa pag-ibig sa iyo sinta
Ibang-iba ang ating mga nadarama
Sakin totohanan pero ang sayo'y wala
Masakit itong isipin, dapat harapin
Kalungkuta'y naghari sa aking damdamin
Nagmahal, sumaya at buhay ay sumigla
Sa iyong piling dahil iyon ang aking akala
Na tayo'y magkakatuluyan at magmamahalan
Tulad ng teleserye, pag-ibig na walang hangganan
Pero sa huli lahat ay "Akala ko Lang" pala
Nagmahal ng lubusan sa iyo aking sinta
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1 2
I can't realize it's meaning. Because i don't know this language. But it can be said that ,it will be soo cute like u.best of luck
@jassennessaj ganyan talaga "akala" umaasa tayo na ibalik ang ating pagmamahal sa isang tao na inaakala nating mahal tayo ngunit at sapagkat ito ay isa lang palang akala natin! Pero hindi masama ang magpakakatotou sa ating nadarama sa ating minamahal! Ang ganda ng poetry na ito ipagkakalat ko ito sa aking kaibigan nga sawi sa pag ibig na "akala niya mahal siya ng best friend niya,ngunit hindi pala! Salamat @jassennessaj