"Kapag madami ang iyong binabasa, madaming bagay ang iyong malalaman. Kapag maraming bagay na iyong malalaman, madaming lugar ang iyong mapupuntahan." -Dr. Suess
Sa paglinang sa sarili sa pagsulat, dapat malaman muna kung papaano gawin ito. At ang tamang paraan para matutunan ay magmasid sa mga unang nakakaalam. Ang pagbabasa ay magkasing halaga sa pagsusulat gaya ng halaga ng pakikinig ng musika sa pag-gawa ng isang musika. Sa pag-aaral sa mga manunulat, napauunlad nito ang kakayahan mo sa pagsulat.
Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ang pagsusulat. Ito rin ay:
- Importanteng kakayahan
- Nagpapakita ng kaunawaan- magsulat lamang ng mga bagay na alam mo
- Talento na nakukuha sa pag-eensayo
- Pagbasa na nakakapag-ensayo sa'yo
"Sa panahon na tayo ay bata pa, sinanay natin ang ating mga sarili na matuto ng mga salita at ginagawan natin ito ng kabuluhan. Ang ating mga mata at tenga ay nagpoproseso na mga milyong milyon na piranggot ng impormasyon araw-araw, sa kulay ng ating mga gamit hanggang sa tinig ng mga orasan sa umaga. Ang mga impormasyon na ito ay napoproseso at nakaimbak sa ating utak bilang mga memorya."
Ang ating utak ay hindi lang nakatuon ang pansin sa mga ibig sabihin ng mga salita bagkus napapansin din nito ang struktura ng mga pangungusap, balangkas ng mga salita, ritmo, at mga pananda. Kapag marami ang ating nababasa, nahahasa naman ng mabuti ang ating utak, kaya nakikita natin ang resulta sa ating paugsusulat dahil alam ng utak natin kung ano dapat ang kaaya-ayang tignan.
Magbasa kagaya ng isang Manunulat
Halimbawa, kung gusto mong maging magaling na rugby player, bibili ka ba ng isang aklat tungkol sa kung paano maglaro ng rugby? Oo, minsan nakakatulong yan ng konti ngunit halos lahat ng matutunan mo sa paglalaro ay nakukuha mo sa pagmamasid sa mga naglalaro ng rugby at susubukan mo itong gayahin. Pareho lang yan sa pagsusulat at pagbabasa, nahahasa natin ang ating sarili sa ating pagmamasid sa mga binabasa natin.
Image credit
Minsan iniisip natin ang pagiging mambabasa, ngunit pag-iniisip natin ang pagiging manunulat at pinapansin ang mga teknik at metodolohiya ng pagpresenta at sabayan ng pagtuto kung paano magbasa at magisip gaya ng isang manunulat, bawat oras ang ating mga binabasa ay ang magiging mga leksyon natin kung paano magsulat ng epektibo.
"Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.This is a translated post of @dragonslayer109's series of
would love read your post but it's not in english, and that is sad
This the good post on steemit. follow me and i will follow you
like your post.
Ang pagmamahal sa ating wika ang sumasalamin sa kaibuturan ng ating pagkatao bilang kung sino tayo. Higit nating nakikilala ang ating sarili sa kung ano ang ating tinatangkilik. Bagama't magandang hangarin na basahin ang sariling atin... Ngunti ang masakit nito hindi lahat ng nasa bahay natin ay puro ating gawa at mga katha ng ating manunulat kundi ang makakanluraning kaisipang sumasapaw sa isipan ng bawat Pilipino... Dakilain man natin ang atin... Maraming humahadlang dito sa unang tanaw pa lang ng batang makababasa ng mga kanluraning kaisipan... Kaya't maging sino sa atin ay apektado maging ang bawat manunulat kung anong mas nakapaling sa kanilang isipan... sa wika mo... o wika ng iba...
Wow isa kang makabayan na tao @iwrite. Saludo ako sa'yo! 😎😎
Salamat ginoong themanualbot! (tinantiya kong ikaw ay ginoo)
So we can actually submit Filipino blog, nice to know that.
ofc we can. Just tag it with #pilipinas. :)
Tama! Nakaka dagdag ng kaalaman ang pagbabasa lalo na kung Habit mo talaga to...