Nakilala kita sa hindi inaasahang pagkakataon.
kwentuhan,
biruan,
at asaran.
Sa hindi inaasahang pagkakataon,
tayo ay binago ng panahon.
Hanggang,
nag simula sa kaibigan
at nagka ibigan.
Minahal kita,
Minahal mo ako.
Masaya tayo,
Sumaya tayo.
Tila ba't ang bawat segundo ay
dapat itago.
Mga alaalang kahit kailan man ay
hindi maglalaho.
Na, sa bawat larawang
hindi kumukupas,
ay isang pagiibigan na
walang wakas.
Ngunit,
isang gabi,
ako ay nagising sa
katotohanan,
na sa ating walang hanggang
pagiibigan,
ay isa palang malaking
kabaliktaran.
Isang kabaliktaran
sa lahat ng katotohanan.
Mga larawang hindi kumukupas,
ay isa palang kupas na larawan.
At ang pag iibigan na walang wakas,
ay ang wakas,
sapagkat wala na ang
ating pagiibigan.
Pero mahal,
ano na nga ba ang nangyari natin ngayon?
Bakit ba unti-unti na naman tayong binago ng panahon,
Bakit ba mahal?,
Bakit ba sa libo-libong taong nakita,
Ikaw pa yung aking nakilala.
At bakit ba sa lahat ng aking nakilala,
Sayo pa ako nag papakatanga.
Hanggang isang araw bumitaw ka,
bumitaw ka dahil sawa kana,
bumitaw ka dahil ayaw mo nang masaktan pa,
bumitaw ka dahil gusto mo nang maging malaya ka,
bumitaw ka sabay sabing "ayaw mo na"
Ha?
Ayaw mo na?
Ayaw mo na?
Ayaw mo na!
Masakit,
Oo sobrang sakit.
Yung tipong hindi mo alam kung gaano kasakit.
Pero mahal,
heto parin ako,
heto akong handang magpapakatangga para sayo,
heto ako upang mahalin ka ng husto.
heto akong pinagsawaan mo,
heto akong niloko mo,
heto akong ginago,
sinaktan at iniwan mo,
at heto parin akong pilit na pinagpipilitan
na ibalik at balikan ang kabaliktaran.
Sapagkat, nangangakong matama ang
mali sa katotohanan.
Pero ang hirap,
ang hirap talaga.
Ang hirap talagang mawalan ng
pag-asa satwina
at ang hirap talagang mag mahal ng
taong hindi pa tapos
mag mahal ng iba.
Masakit man ihayag na wala kana.
Nangangako parin ako na isang araw,
ako ay iyo pang maaalala.
Sapagkat ang alaala ay alaala para sa
mga taong nawala.
At kung makupas man ang iyong
larawang iniwan,
tatatak parin ang mga alaalang ito
sa ating mga isipian at
ito ang magsisilbing,
"Larawang kupas" sa mga
Alaalang hindi kumukupas.