"Word Poetry Challenge #5". Tema : "Watawat ng Pilipinas"

in #wordchallenge7 years ago (edited)

borders-2099222_1280.png

Pinagkukunan ng Larawan

Watawat ng Pilipinas

Kulay Pula

Nagsimula itong paghihimagsik sa kadahilanan ng pananakop
Marami ang lumaban sa katapangan umaangkop
Sa puso't diwa hagupit ng karanasan lumalaot
Kabayanihan ay nalikha sa bayan nagsisilbing gamot

Sa mga mananakop bayani natin nagdusa
Kapayapaan sa buong nasasakupan sa kanila umaasa
Lugmok sila sa kalooban man nawalan nang kulay
Bayani ngang tunay nagbuwis ng mga buhay

Kaluluwa'y dalisay sa bayan natatangi
Kamatayan man ang hantungan sa kanila kinukubli
Namayapa nang may dangal sa ating puso itinatago
Nakamit ang tagumpay sa kanila ang parangal na ginto

Kulay Puti

Sa paglayag natin sa bayan di parin tayo natitiklop
Ang malinisna hangad sa bayan di kailan man masisinop
Kay pino nang nais ang mga bayani natin kagandahan soot
Mga tagapagtanggol ay puro ang paglilingkod sa palibot

Itong puting kulay sa kataohan natin ipinapakita
Hangad sa bayan makita ang tunay na pinagpala
Sa puso natin ang kalinisan ay kailangan isasakay
Paglilingkod man wari'y krystal na pagkamakabayan inaakay

Sa intensyon natin tayo'y iisang lipi
Oras ng kadiliman sa puti kailan man di naaapi
Kapayapaan sa sarili ito'y nagsisilbing pinto
Malinis nating mithiin sa kalawakan maipapangako

Kulay Bughaw

Asul nga tayo ngayon sa dagat malayang nakikipag angkop
Sa kalayaan nangingibabaw ang karanasan noong tayo'y sinasakop
Kung noon bilanggo tayo sa pait nang bangongot
Nagyon agila tayong matuyog na lumilipad na walang kadinang nakapulupot

Dahil sa mga dugo nang mga taong buong puso nagnanasa
Pilipinas ngayon walang guhit nang pagkabalisa
Ano man ang daanan tayo patuloy naglalakbay
Bughaw nagsasabi sasariling kulay wala nang away

Kung baga sumapit ang simangot ay naging ngiti
Ang bahaghari may kulay bughaw ang sa atin sabi
Kaya ngayon itataguyod pilipnong lumaya sa priso
Kulay bughaw sa watawat sagisag kapayapaang totoo

Ang Araw

Ngayon tanyag ang sinag sa ating mga sarili kinukupkop
Sa mga madilim na gabi ng bayan ay ala alang tila nasupot
Pagkatapos nang mga pasakit heto ang araw sumulpot
Dala ang liwanag na sa mga lalawigan ay noon kinukusot

Walong sinag sa isang mapait na pagdurusa
Dilaw na kulay ang nakita sa gitna nang mga pinsala
Tayo'y naging mga damo noon na matatamlay
Sa pag-asa nagyon tayo'y naging isang punong kahoy na tumataglay

Lalawigan may nasira, nadapa, nasagi
Noon man nalabag ang karapatan ng lahi
Sa paglubog man o pagsikat ng araw tayo'y hindi naglaho
Araw sumasagisag pakikipaglaban nagbigay sikat nating mga pilipino

Tatlong Bituin

Tatlong bituin sagisag sa tatlong pulo ng pilipinas
Biniyayaan ng may kapal sa kagamitan likas
Sa pagdungaw nang mga kasaysayan sa itaas,
Nabuo itong tela sa daigdig simbolo nang kabayahinihan naranas

Sa bandila natin boung puso buong papugay
Pilipino kang totoo kung may respeto sa watawat na iniwawagayway
Kaginhawaan tila bituing nasa ating mga kamay
Ang tala sa kalangitan wari'y pangako na di dapat masasablay

Buhat sa mga pasakit noon ay buong puso umawit
Bigyang halaga mga bayaning nagligtas at nagsapit
Sa watawat ng pilipinas salamin ang kahapon na sumusilip
Mga pilipino dapat ipagmalaki ang bandila na karanasan noong sumapit

Maraming salamat sa pagugol ng mga oras niyo sa pagbasa mga katropang steemians. Hanggang sa muli nawa'y nagustuhan niyo :)

Sort:  

Ito ay isang napakagandang tula @steembytes . Sigurado akong mananalo ito. Grabe talaga. Ni resteem ko na kasi sobrang ganda!

Woahh!h maraming salamat kapatid.

ang ganda ng estilo nito
maraming salamat po sa pagsali
good luck

Maraming maraming salamat pooo 💙

Mabuhay tayong mga Filipino

Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.Congratulations @steembytes, your post has been featured at


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Thank you so so much @bestofph💙


Curation Collective Discord Community
Curation Collective Discord community Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng , binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri. This post was shared in the #pilipinas channel in the for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much @c-squared 💙