(Ang drawing na ito ay sariling konsepto at guhit ng may-akda)
https://steemit.com/filipino-literature/@nantzjbalayo/karaya-ako-komiks-1--mongol-bufxjwge .Heto po ang aking pangalawang komiks na ihahandog sa komunidad ng #steemit. Kung hindi pa ninyo nabasa ang unang komiks ko na ginawa ay narito po ang link:
Para maiba naman sa dati kong ginagawa dito sa #steemit ay napagpasyahan ko na gumawa ng komiks. Ito ay sa layuning mapagyaman ang isa sa mga dialekto sa Pilipinas partikularmente ang "Karay-a" o"Kiniray-a" na dialekto na halos kahawig ng "Hiligaynon" na dialekto sa Visayas.
Ang karay-a na dialekto ay maari mong mapakinggan sa mga Kabayang ipinanganak o nakatira sa Panay Island lalo na sa probinsiya ng Iloilo at Antique.
Sisikapin ko na maisalin ito sa tagalog at/o english para sa ikauunawa ng mga mambabasa. Subalit hindi ko maipangako na ang mga ito ay may parehas na "sense of humor" kapag naitranslate na.
Subalit inyo pong aasahan na ang mga susunod ko na komiks ay may translation sa tagalog o english o hindi kaya ay nakasulat na sa nabanggit na lenguahe kung ito ay angkop sa mga temang komiks.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aking mga gawa.
Pagsasalin sa Tagalog/Filipino:
Pedro: Sobrang MASIPAG talaga ang tao, Juan ano? Kasi, madami na siyang naimbento katulad ng mga sasakyan.
Juan: Hmm, Pedro...Ang sabihin mo, TAMAD talaga ang mga tao.
Pedro: Huh! Paano mo nasabi?>2nd Frame
Juan: Isipin mong mabuti, sino ang nakaimbento ng bisekleta?
Pedro: Sino?
Juan: Eh, di yung TAMAD maglakad!>3rd Frame
Juan: Oh, isa pa...Sino ang nakaimbento ng kotse?
Pedro: Sino?
Juan: Eh di, yung TAMAD pumadyak ng bisekleta! (Peace Sign)
Juan: Kombinsing! (Just an expression)>Araw: Hay naku, naniwala naman siya!?
Photo shot: Lg4 ; Edited through cam scanner app.
Disclaimer: Maari pong sa inyo nanggaling ang mga original jokes na magagawa ko o magkaroon tayo ng pagkakahawig. Ang mga jokes sa aking sariling koro-koro ay nagkakahawig o nagkakaparehas paminsanminsan dahil siguro ang tao ay mayroong halos magkaparehas na karanasan anuman ang kanyang estado sa buhay. Ang mga jokes ay kadalasang naiisalin sa pamamagitan ng salita lamang at kung minsan ay napupulot din natin sa mga nililimbag na nga artikulo at dahil nakarelate tayo ay atin itong ibinabahagi sa akmang pagkakataon at sitwasyon. Layunin ko lang na ipublish ang mga katawa tawang mga karanasan sa pamamagitan ng komiks upang maisalin ito sa susunod pa na henerasyon. Subalit kung ito ay copyright maari nyo po akong tawagan ng pansin agad at ipakita ang ebidensiya ng inyong copyright para po maayos natin at maisaalang alang ang inyong karapatan.
==========V=0=T=E==F=O=R===========
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @enginewitty, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community. Also special mention to @therealwolf for maintaining a healthy bot upvote system.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
=========S=T=E=E=M=G=I=G=S=========
Much love, God bless!
Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of inspiration.
Posted using Partiko Android