Ako'y patuloy sa pagtangis subalit ang aking mga luha ay tinuyo na ng panahon.
Ang puso na dati'y puno ng buhay ay unti-unting napunta sa kawalan.
Sa lugar na hindi ko ramdam ang init ng iyong pag-ibig.
Pag-ibig na dati mong ipinangako sa akin.
Oo, ikaw!
Ikaw na nagturo sa aking kung papaano magmahal.
Ikaw na nagbitaw ng mga pangako na hanggang ngayon ay nais kong panghawakan.
Ikaw na minahal ko ng labis, ng buo.
Hinayaan mo akong mabuhay sa isang mundo na akala ko'y totoo at perpekto.
Sa mundo kung saan labis ang saya dahil tayong dalawa ang magkasama.
Sa mundo na walang araw na hindi kita kapiling at ako'y nakakulong sa iyong mga bisig.
Sa mundo kung saan mahal natin ang isa't-isa.
Subalit ang lahat ng ito'y biglang naglaho.
Ako'y nagising sa isang napakagandang panaginip na wala naman palang katotohanan at ang mundo na akala ko ay atin ay unti-unting gumuho sa aking harapan.
Hindi ko alam kung bakit mo piniling lumisan.
Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng lahat ng ating pinagdaanan ay nagawa mo pa din akong iwan.
Ako ba'y nagkulang?
Saan? Paano?
Mga katanungan na pilit kong hinahanapan ng kasagutan.
Ni hindi mo man lamang sinabi sa akin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit mo ito nagawa.
Kung bakit mo pinili na humiwalay sa landas na pareho sana nating nilalakaran.
Ito na ba ang hangganan ng istorya nating dalawa?
Thanks to @iwrite for mentoring us also to @purpledaisy57 @antonette @bobiecayao and to SteemIt Diversify Family especially to @surpassinggoogle for the nonstop support
Ganda po sir ang lalim :)
Welcome po mam raki missyou na
nice one sir.
I love it! Can relate when ur hurting. :(
ganda po :)
sakit huhu :(