Tagalog-Poetry : Pasasalamat at Patawad para kay Ama (Father's Day Special)

in #poetry7 years ago (edited)

Hunyo labing pito,
Taong dalawang libo't labing walo.
Ano nga ba ang meron sa araw na ito?
Oo,araw nga pala ng pasasalamat ko sayo.
Ama ko!

Salamat,
tatlong pantig,pitong letra,ngunit iisang salita.
Salamat,sa pag gabay mo,at sa pagtutuwid ng bawat daan ko.
Salamat, sa bawat suporta mo at di kailanman nawalay sa piling ko.
Salamat ama, dahil ito lang muna ang maibibigay ko sa araw na ito.

Oo, hindi ko maibigay ang materyal na bagay,kagaya ng ibinibigay mo sa bawat kaarawan ko.
Oo, hindi ko maihahanda ang engrandeng handaan,kagaya ng paghahanda mo sa tuwing may karangalan o may espesyal na araw ako.
Oo ama inaamin ko,wala pa akong naibibigay ni katiting man lang sayo.
Ngunit sana ang pasasalamat ko'y tanggapin,dahil ito lang muna ang maiaalay ko.

Ito narin siguro ang oras at araw hindi para magpasalamat lang kundi humingi narin sayo ng tawad.
Patawad,kung madalas bilad sa araw ang mga balat mo.
Patawad kung napapansin ko ang mga pagkukulang mo at hindi ang mga nagawa mo.
Patawad kung isinusumbat ko na hindi mo mabili ang materyal na gusto ko.
Samantalang hindi ko naisip na nagkakandakuba kana sa pagtatrabaho maibigay lang ang luho ko.

Ngunit ama nais kong malaman mo,
Hindi ko kailanman pinagsisihan na ikaw ang naging ama ko.
Nais ko sanang malaman mo at nais kung ipagsigawan sa buong mundo,
PROUD AKO NA IKAW ANG AMA KO.

Isa lang naman ang maipapangako ko sa iyo,
Na sisiguraduhin at sisikapin kung makamit para sayo.
Pangako Ama, aakyat ka sa entablo
Kung saan suot ko ang itim na tela at itim na sumbrebro.
Sabay nating aabutin ang diplomang pinapangarap mong maabot ko.

Bago mahuli ang lahat,
HAPPY FATHER'S nga pala sa iyo ama,papa,daddy, erpats ko.
Tunay ngang di matatawaran ang sakripisyong ginawa at magagawa mo.
Salamat sa haligi ng aming tahanan na minsang naging ina,kaibigan,at sandalan.

fathersday-stl.jpg
Pinagmulan


Kung nababasa mo ito ngayon,
Hindi bat oras na para pasalamatan mo sila
Sa kabila ng sakripisyo,pagod,hirap at sakit na dinanas nila?
Yakapin mo sila o kahit pasalamatan man lang
Dahil di biro ang pagod at hirap nila magmula ng ika'y musmos pa.

Kung sila ma'y pumanaw na,
Nakikiusap ako bisitahin mo man lang sana ang puntod nila.
Alayan sila ng bulaklak at pasalamatan sa kanilang mga nagawa.
Oo wala na sila,pero tandaan mo nasa puso parin natin sila.

Huwag mong sayangin ang oras at panahon na ibinigay ng ating diyos ama.
Pasalamatan at yakapin muna sila hanggat maaga pa.
Dahil sabi nga nila bilog ang mundo at hindi mo alam ang takbo nito.

FB_IMG_1518586196009.jpg

KAYA AMA !!, SALAMAT DAHIL IKAW ANG INSPIRASYON KO KUNG BAKIT KO NAABOT KUNG ANONG MERON AKO.



06 / 17 / 2018isinulat ni: @ruelx

PicsArt_01-31-09.52.22.png

Sort:  

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!