Hello GUYS..
Shout-out to @surpassinggoogle for upvoting all my previous blogs .. I just want to share to you guys that I'm little inspired and energized because my mother and nephew just arrived here, coming from the Philippines .
So for my steemates friends who followed me. We can expect starting today that I can post more Simple Poems for you guys. Because we will write some poems together and it will be a very good time to bond together.
For that, guys Please enjoy my 4th Poem
Ang Buhay sa Nayon
(nowiknow17)
I
Maaliwalas ang paligid, luntian ang kapaligiran
Palay na hinasik, malapit ng pakinabangan
Halimuyak ng gumamela, malalanghap sa hangin
Iyan ang buhay sa nayon, malayo sa polusyon
II
Pag dungaw mo sa bintana, saiyo bubungad
Mga ibong humuhuni, tila ba nag-aawitan
Sa saliw ng kaluskos, ng mga puno’t kawayan
Iyan ang buhay sa nayon, payak at payapa
III
Kabataa’y nanghuhuli, tipaklong at tutubi
Ang iba’y sa pilapil, nangunguha ng talangka
Sa tubig ay makikita, malulusog na isda
Iyan ang buha’y sa nayon, ang lahat ay sariwa
IV
Ganito ang kinagisnan, mula sa pagkabata
Ngayong sa pagtanda, anong sarap alalahanin
Mga alaalay kay tamis, gunitain at sariwain
Diba’t ka’y sarap, balikan ang kinagisnan natin
V
Sa okasyong dinaraos, tila ba mga piging
Mga nilutong pagkain, paano mo lilimutin
Ang puto’t dinuguan, suman at kutchinta
Anong sarap kagatin, ka’y lagkit sa pagnguya
VI
Lalo na ang biko, hinalo ng mano-mano
Galing sa malagkit, na ani ng ina ko
Pati narin ang pansit, na madaling maubos
Siguradong ang buhay mo’y, hahabang lubos
VII
Iyan ang pang himagas, sarap ay malalasap
Lutuing sa Pilipinas, ating ipinamamalas
Pag dating naman sa ulam, sino ang hindi matatakam
Sa amoy ng inihaw na tilapia, tiyan mo’y kakalam
VIII
At pag dating naman sa gulay, dugo nati’y mabubuhay
Kapag mga talong at sitaw, ampalaya at kabay
Ay ating nilaga, o di naman ay iihaw
Ang paborito Laing sa gata, siguradong kaldero’y taob sa madla
IX
Ito naman ang aking payo, sa kapwa kong Pilipino
Kahit anong sarap, ng pagkain sa harap mo
Ika’y mag hinay-hinay sa bawat subo mo
Baka ikaw ay ma high-blood, malaking perwisyo
X
Saaking pag wakas, sa mumunti kong tula
Akin na pong tatapusin, hanggang sa muli kong katha
At sainyo mga kaibigan, ito ang aking wika
Salamat sa inyong panahon, ginugol sa aking tula.
MARAMING SALAMAT.
MAY GOD BLESS US ALL
THANK YOU FOR READING MY SIMPLE POEM......
ang sarap ng mga foods! 😍😍😍
kaya nga. ka miss sa pinas.😅😂 thanks
Wow mamimiss nila yung mga pagkain.
A very nice poem, reminiscing the time back in the Philippines.
Thank you for sharing.
thank you for your nice comment.😄😄