ULAN (A Short Filipino Poetry)

in #philippines6 years ago (edited)

35726217_1403382409806318_5409614006275014656_n.jpg

Palakas ng palakas ang ulan...
Walang hinto at walang pagsidlan...
Waring nagsasabing...
Matulog ka lamang ng mahimbing...
At tigilan ang pag-iisip...
Damahin lamang ang lamig na dala ng hangin...
Bilang masarap nga ang matulog...
Sa ganitong ulan ang tanging tugtog...
Kasabay ang musikang pumapaibabaw...
Mula sa lumang Radyong natatamaan ng kaunting ilaw...
Aking unan tanging kayakap...
Masarap na kape ang aking nilalasap...
O' kay sarap nga ng ganitong panahon...
Mga problema mo'y mawawala kapag maglaon...
Pagdama ng malamig na klima...
Nagmamahal mong puso ay kumakalma...
Kung sana lamang ay laging ganito...
Damdamin ko sana'y hindi kailangan na malito...
Dahil sa ganitong panahon lamang aking napapagtanto...
Puso ko'y kailangan ng magmamahal ng totoo...
Ang larawang aking ginamit ay orihinal na aking pagmamay-ari. Kuha po ito sa aking Samsung S4. Maraming salamat po! Nawa'y inyong naibigan ang munti kong tula!

♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥

29497984_1336595803151646_447890180448190464_o.jpg

https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmP8USQA8EPV7Pce46kDp8TCVFU4bKeKoc87zrHkG3Vf5A

Sort:  

pag umuulan pakiramdamko tumitugil ang mundo pasumandali