Naranasan na ba ninyo na ang nanay nyo magkaroon ng malubhang mga sakit tulad ng cancer?
Napakasakit sa anak na malaman ang kanilang magulang ay may sakit na tulad nito, hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin para sila ay gumaling bukod sa mga standard way tulad ng pag papa-chemo na wala naman kasiguraduhan na bubuti ang kanyang kalagayan.
Ang tanging magagawa lang natin ay lagi lang natin iparamdam na mahal na mahal mo sila at lagi tayo lalapit sa panginoon. ipagdasal na sanay ay gumaling sila at wala nang susunod pa na myembro ng pamilya ang magkaroon nito.
Naisipan ko lang i-share ang kwentong ito. wala lang gusto ko lang sya isulat gusto ko lang malaman ng lahat na mahalin nyo ang inyong mga magulang habang sila ay nabubuhay pa at iparamdam na mahalaga sila sa inyo bago mahuli ang lahat. paminsan minsan ay sasamahan nyo ang inyong mga magulang. makipag kwentuhan kahit saglit lang, gumala sa malls, kumain sa labas. kumuha ng selfies at kung ano ano pa.
Bilang isang anak ay gawin natin ang mga kaya nating gawin para sa kanila. hindi naman eto responsibilidad pero atleast alam nila na importante sila sayo.
I love you nay, mag iingat ka palagi. basta may kaylangan ka wag ka mahihiyang magsabi. magkwento ka ng kahit ano at makikinig ako, i-share mo lahat ng photos natin sa facebook at ila-like ko hehehe.
Hanggang dito nalang at sana may napala kayo sa pagbasa nito. maraming salamat
Congratulations @drewgista04! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!