Sa ating buhay, may kanya-kanya tayong direksiyon sa paglalakbay, maituturing kong nagsimula ang aking paglalakbay nuong ako ay nag-asawa. Akala natin ang pag-aasawa ang sagot sa pakirakdam natin na tayo ay nag-iisa na lang sa buhay.
Ang araw ng aking kasal
Ang pag-aasawa ay di parang kanin na isusubo na kapag tayo ay napaso ay puwede natin iluwa. Ito ay may kakambal na pagtitiis kung gusto natin mabuo ang pamilyang nasimulan. Lahat ng mag -asawa ay dumaraan ng pagsubok na puwedeng masira kung tayo ay matitibag nito. Ang ibang maybahay ay nagtitiis para sa mga anak dahil ayaw nilang mawalan ito ng ama. Ang iba naman ang nagtitiis dahil wla silang mapuntahan o mahingan ng tulong.
Dapat bago mag-asawa siguraduhin na may mga trabaho dahil ito ang puno't dulo kung bakit nag-aaway ang mag-asawa dahil kulang sa pinansiyal na magsusuporta ng pangangailangan ng pamilya. Ito ang pinakaimportante lalo na kung magkakaanak na ang mag-asawa dahil lalong lalaki ang gastos halimbawa sa pagbili ng bitamina upang lumaking malusog, matalino at hindi sakitin.
Ang nag-iisa kong anak
Sa pag-aasawa importante ang komunikasyon dahil kung wala ito ay para na ring walang buhay ang pagsasama ng mag -asawa. Dapat pinag-uusapan ang honaharap o future lalo na kung may anak na kailangan matustusan ang pag-aaral para hindi lumaking mangmang ang anak.
Ang kanyang lola at ang lalaki naman ay ang kanyang kasintahan na kumukuha ng kursong criminology.
Ang pag-aaral ay kayang tustusan ng mg la magulang kung sila ay may mga trabaho ngunit paano kung amg haligi lang ng tahanan ang kumakayod? Ito na siguro ang pagkakataon na puwede ng tumulong ang "ilaw ng tahanan" para maitaguyod ang pangangailangan sa bawat araw.
Nagtatrabaho ako bilang encoder sa Generics Pharmacy.
Ang pagtutulungan ng mag -asawa, ang siyang susi ng tagumpay sa pumuhay ngunit paano kung pakiramdam natin kulang pa rin? Ito ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa Kuwait, tinitiis mapalayo sa pamilya upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang nag-iisa kong anak na dalaga na ngayon.
Mabuhay ang mga nanay na #steemians: Sana magustuhan ninyo ang aking kuwento.