Ayon nga sa bibliya, ang babae ay galing sa isang parte ng katawan ng lalaki. Siya ay galing sa dibdib ng lalaki sa kadahilanang ang lalaki ay naging malungkot sa kanyang pag-iisa sa mundong ibabaw. Gusto nito ng karamay, kasama, at kaibigan habang siya ay namumuhay. Naging teorya rin ito na ang pagbuo ng babae ay naging dahilan para sa pagpuna ng pagmamahal para sa lalaki at ang lalaki ay maging ganun din. Gayunpaman, ang pag-iibigan ng bawat isa ay dapat pantay-pantay at hindi ang isa lamang ang makapagbenepisyo kundi ang bawat isa sa kanila ay makatanggap ng hinahanggad na pagkalinga at pagmamahal.
Sa buwan na ito, ang pagdiriwang ng araw ng kababaihan ay naging palatandaan para magunita ng karamihan na ang babae ay parte ng isang lalaki at ang lalaki ay naging parte narin ng isang babae. Sa ipinaglalaban natin na pagpantay-pantay na kasarian, dito narin nasasabing ang pagkababae ay hindi naging dahilan para maging isang alagad ng mga lalaki o ang mga lalaki ay nakatataas sa kanila at sila ay walang karampatang karapatan upang gampanan ang mga kakayahan ng mga lakaki. Kung babalik tayo sa kasaysayan, ang mga babae noon ay naging sunod-sunoran lamang sa salita ng lalaki. Ang kanilang karapatan ay napariwara at hindi naipaglaban. Ang kanilang mga dila ay parang naputol at pinagsumpa para hindi makapagsalita. Iilan lamang ang nagkaroon ng sapat na lakas ng loob para ipahayag ang anumang gusto nilang ibahagi at ipalabas.
Sa ngayon, napakalaki ng pagbabago ng ating sistema. Ang babae ay protektado na sa Saligang Batas at protektado na sa kung ano mang kapahamakan na nakakapagpasira ng kanilang loob bilang isang babae. Dahil dito, naging lakas nila ito upang magsalita at mamumuhay ng walang anumang nakahadlang sa kanilang gustong tatahakin. Sila ay naging kompyansa upang ipakita at gawin ang kanilang gusto sa kanilang buhay.
Pero ang tanong ko ngayon, ito nga ba naging lakas sa kanila bilang babae? O may iba pang dahilan upang sila ay lumakas at dito humuhugot ng kalakasan?
Sa aking pananaw, ang mga kalalakihan ay naging konsiderasyon na sa ngayon at nagsisilbing lakas nila sa iba't ibang bagay. Ang presensya nila ay naging lakas na rin ng babae at nag-udyok upang sila ay bumuo ng kalakasan sa kanilang loob. Maging ito ay masusukat sa haba ng pagsasama o sa laki ng pagtitiwala sa bawat isa. Kaya huwag niyo sanang ipagliban ang importansya ng kalalakihan sa tabi ng isang babae. Maging ito man ang dahilan ng kanilang kalungkutan o pagkapawi pero mas naging positibo ito na magdagdag ng karampatang lakas sa kanila.
Kaya bilang isang ginoo, ako ay nakikidiriwang sa buwan ng mga kababaihan sapagkat sila ay naging parte sa aking buhay at naging mahalaga sa aking pagkatao. Sila ay naging gabay at naging kamay upang ako ay magkaroon ng mabuting pananaw sa buhay at hubugin ang nais na landas. Tinuruan nila ako kung paano magmahal at maging makatao at maka-dyos. Sila ay bumuo sa akin upang hubugin ang tinatahak ko na buhay. Sila ay aking pamilya, kaibigan at aking kapwa. Sapagkat sila ay laging andyan, ako rin ay naging matino at naging mabuting tao.
Mabuhay ang mga babae!
Happy Women's Month
Congratulations @levincare! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
<table><tr><td><img src="https://images.hive.blog/60x70/http://hivebuzz.me/@levincare/payout.png?202303101300" /><td>You received more than 100 HP as payout for your posts, comments and curation.<br />Your next payout target is 250 HP.<br /><sub>The unit is Hive Power equivalent because post and comment rewards can be split into HP and HBD <p dir="auto"><sub><em>You can view your badges on <a href="https://hivebuzz.me/@levincare" target="_blank" rel="noreferrer noopener" title="This link will take you away from hive.blog" class="external_link">your board and compare yourself to others in the <a href="https://hivebuzz.me/ranking" target="_blank" rel="noreferrer noopener" title="This link will take you away from hive.blog" class="external_link">Ranking<br /> <sub><em>If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word <code>STOP <p dir="auto">To support your work, I also upvoted your post! <p dir="auto"><strong>Check out our last posts: <table><tr><td><a href="/hivebuzz/@hivebuzz/call-for-support"><img src="https://images.hive.blog/64x128/https://i.imgur.com/xu0J1kD.png" /><td><a href="/hivebuzz/@hivebuzz/call-for-support">Keep Hive Buzzing - Support our proposal!<tr><td><a href="/hive-139531/@hivebuzz/proposal-2324"><img src="https://images.hive.blog/64x128/https://i.imgur.com/RNIZ1N6.png" /><td><a href="/hive-139531/@hivebuzz/proposal-2324">The Hive Gamification Proposal <h6>Support the HiveBuzz project. <a href="https://hivesigner.com/sign/update_proposal_votes?proposal_ids=%5B%22248%22%5D&approve=true" target="_blank" rel="noreferrer noopener" title="This link will take you away from hive.blog" class="external_link">Vote for <a href="https://peakd.com/me/proposals/248" target="_blank" rel="noreferrer noopener" title="This link will take you away from hive.blog" class="external_link">our proposal!