Isang bagong araw na naman ang ating kinakaharap. Mga ingay ng mga balita ay nakakapanghihina, ngunit hindi ito panahon para tumigil at bumitaw bagkos lalabanan natin ang mga bagyo at sasayawan nating ang hampas ng hangin.
Heto na naman ako sa pag bahagi ng musika na aking pinagkukunan ng lakas sa panahon ito. Musika na puno ng mensahi nagbibigay inspirasyon. Malaki ang aking pasasalamat dahil nahanap ko ang Chanel ng Fearless Souls. Bawat kanta ng kanilang ibinabahagi ay puno ng motibasyon.
Sa awit na ito, ang sigaw ng isang nilalang na may hinanakit at nagpapalumpo sa kanya upang umusad. Gusto niyang lumaya sa pagkakagapos dulot ng mga hinanakit na sa buhay ay dumadaan. Ang kagustuhag mabuhay, tunay ba mabuhay ng walang bigat na daladala. Alam na alam nya ang sulosyon nga mga iyon at yun ang magpatawad. Napakadaling sabihin pero hirap gawin. Paano nga ba ang magpatawad,paano tanggapin ang mga bagay na minsan iyong kinasusuklaman. Iba-iba ang karanasan ng bawat isa. May malalim, may mababaw. Minsan nasa kamay na natin ang sandata para butasin ang makapal na bubong upang makakita ng liwanag ngunit ang paggalaw ay di magawa-gawa. Takot. Walang tiwala sa sarili. Kulang ang paniniwala. Kung anu-ano pang negatibo ang pumapasok sa kukuti ang siyang hadlang. Tanggapin at yakapin ang nakaraan, saka ito bitawan. Kaya mo. Kaya ko.
Damhin sa puso, at magtiwalang ikaw ay makakalaya.
Source:
by fearless soul music
Natantong hirap magpatawad
Ng dahil mas madali pa ang kumapit
Hindi dahilan, sa akin ay nakakabuti
Naghahanap paano ang pagpipigil
Ngunit paet at sakit
Ay naging ako
Tinatakpan ang tunay na pagkatao
Ang gusto ko lang ay..
Hindi pa huli ang pagbabago
Bitaw!
Huwag nang lumingon
Ayoko ng makulong sa nakaraan
Kaya..
Palayain mo ang kaluluwa
Patuloy sa paglalakbay
Patawarin ang nakapagpasakit
Kinabukasan ang tutukan
Isa lang ang buhay
Gustong bigyan ng kahulugan
Tanggapin ang nakaraan
Mahalin ang sarili
Kaya...
Palayain mo aking kaluluwa
Ipagpatuloy ang paglalakbay
Kahit pa iyon ang kamalian
Aangkinin ang panig ng aking istorya
Tatanggapin ang mga aral
Bitbitin ang mga nalalaman
Mga nasasayang na panahon, di na maibabalik
Kaya....
Bakit kailangan paulit-ulit lumalaro sa isipan
Kung ang mga ito ay hadlang upang sumaya
Sino ako ngayon?
Hindi pa huli ang pagbabago
Bitaw!
Huwag nang lumingon
Ayoko ng makulong sa nakaraan
Kaya..
Palayain mo ang kaluluwa
Patuloy sa paglalakbay
Patawarin ang nakapagpasakit
Kinabukasan ang tutukan
Isa lang ang buhay
Gustong bigyan ng kahulugan
Tanggapin ang nakaraan
Mahalin ang sarili
Madali ang makulong sa nakaraan
Ngunit, walang dapat maiwan sa lugar na iyon
Huwag kaligtaan gumawa ng bagong karanasan
Kaya, akoy magpatawad at aalamin
Kung sino ako dapat ngayon.
Kaya...
Palayain ang kaluluwa.....
Yang lang muna sa ngayon. Sana ay nakakabigay ito sayo ng inspirasyon. Bilang pagsuporta sa tagalogtrail, hinihikayat ko po kayo na gumawa din ng mga post gamit ang wikang Filipino. Sabay nating guluhin ang pahina ng Tagalogtrail. Paalam, bukas ulit.😊👌
May pa ganyan-ganyan ka ah, hehehe
Ano to, parang freewrite in tagalog. hehehe
Gihubad ra na nako ang lyrics sa tagalog, nga motivational songs.
Paghimo pod ug tagalog post.Pwede mga freewrite,Naay pa contest.ang tagalogtrail. Naka link sa taas.
Mahusay. Nakapag-isip tuloy ako sa aking buhay dahil dito. Hmmm. Mahalaga rin na tumingin paloob at tingnan ang mga nilalaman ng ating puso. 😁
Salamat. Ang lalim naman'tingnan ang mga nilalaman ng puso', good luck diyan. Samahan ng beer 🍻 yan! Hehe
😁😁😁
Great song! Thank you for sharing! <3
Yes I agree. Maganda nga.
Thank you.