Sa gitna ng digmaan sakaling hininga ko'y malagutan,
Tagubilin ko na ibalik sa aming tahanan ang aking katawan,
At doo'y mga medalyang nakamit sa aking dibdib ay muling isabit,
Nang maging ginintuang alaala ng mga magulang kong sa akin ay nagpakasakit at ngayon nga'y naghihinagpis.
'Nay, 'Tay huwag na pong malungkot,
Damdamin ay tibayan nang di maramdaman ang kirot,
'Di naman nasayang ang buhay niyong sa akin ay hindi ipinagdamot,
Ang mahalaga ang kuwento ng sundalong anak niyo'y hindi mababaon sa limot.
Kay Nonoy pala na aking kapatid " tol huwag ng mainip ",
Pag-aaral mo'y pagbutihin ha upang ikaw ay makagradweyt,
Motorbike na pinaka-iingat ingatan pamana ko na sayo yan,
Pakatandaan na ang kapatid mo di man naging mayaman, namuhay naman ng marangal.
At kay Neneng na kapatid kong makulit,
Noong siya'y paslit sa likod ko'y mahilig na sumabit,
Huwag ng masungit dahil wala ng gagambala sayong pag-idlip,
Patawarin si Kuya kung ako man ay tuloy tuloy na sa pagpikit.
Tahan na! Tahan na! aking pinakamamahal,
Ipagpaumanhing sa paraang ganito ako ay lilisan,
Tinutupad ko lamang ang aking sinumpaan,
Na ako'y ipinanganak at itinadhanang mamatay -- para sayo aking bayan.
06 / 09/ 2018isinulat ni @ruelx
Be a member on our Facebook page -- Click this LinkI am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Congratulations @ruelx! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
<p dir="auto"><a href="http://steemitboard.com/@ruelx" target="_blank" rel="noreferrer noopener" title="This link will take you away from hive.blog" class="external_link"><img src="https://images.hive.blog/768x0/https://steemitimages.com/70x80/http://steemitboard.com/notifications/votes.png" srcset="https://images.hive.blog/768x0/https://steemitimages.com/70x80/http://steemitboard.com/notifications/votes.png 1x, https://images.hive.blog/1536x0/https://steemitimages.com/70x80/http://steemitboard.com/notifications/votes.png 2x" /> Award for the number of upvotes <p dir="auto"><sub><em>Click on the badge to view your Board of Honor.<br /> <sub><em>If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word <code>STOP <p dir="auto">To support your work, I also upvoted your post! <blockquote> <p dir="auto">Do you like <a href="https://steemit.com/@steemitboard" target="_blank" rel="noreferrer noopener" title="This link will take you away from hive.blog" class="external_link">SteemitBoard's project? Then <strong><a href="https://v2.steemconnect.com/sign/account-witness-vote?witness=steemitboard&approve=1" target="_blank" rel="noreferrer noopener" title="This link will take you away from hive.blog" class="external_link">Vote for its witness and <strong>get one more award!Galing naman! Ang bigat ng dating.
Pang @tagalogtrail din eto :D
salamat @leeart. Ngayon ko lang ata narinig yang @tagalogtrail.
May talento ka at nagustuhan ko ang iyong likha.
Salamat @toto-ph sa pag detalyeng pag sagot :D Mabuhay kayo!
may bago akong sulat. Main tag ko na ang @tagalogtrail. Salamat ☺️
Salamat sa pa mention @leeart!
@ruelx, maliban po sa @bayanihan na super generous sa pag reward sa mga PH na awtor. Ang @tagalogtrail naman po ay naka pokus sa mga likhang nasa wikang Tagalog. Kapag napansin mo ang inyong gawa ng mga curator gaya ko po. Maari pong ma feature ang inyong gawa sa featured post at kung sobrang husay po naman ay maari din naming ipa request na magkaroon din ng upvote mula sa ibang curation guild gaya ng @c-squared na curator din po kami.
Sympre pwede din namin i request na magkaroon ng community vote mula sa @curie kung sobrang husay po talaga ng likha :)
woah ☺️ Galing naman. Tag ko na yung @tagalogtrail sa mga susunod Kong likha. Maraming Salamat