"SIMULA PA LANG" : ISANG TULA

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

FB_IMG_1524039843405.jpg
Photo Credit

Simula palang ng storya ikay na'y binalaan.
Ngunit hindi nakinig, ika'y nagkibit-balikat lang.
Iyong tenga ay tinakpan, ika'y nagbingibingihan,
At ikaw ay naniniwala sa isang hangal na iyan.

Mapupungay mong mata ay iyo talagang sinayang,
Ika'y nagbulagbulagan at kunwari'y walang alam.
Pati sarili mong bibig ay iyo ngang binusalan
Dahil sa iyong takot na ikaw ay mapag-iwanan.

Alam kong sa simula palang iyo ng naramdaman,
Bakit hinayaang lamunin ng kasinungalingan.
Pagmamahal na sayo lang nadama, walang kasiguraduhan
Tunay nga ba ito o ito'y 'yong kathang isip lamang.

Oo! Masakit mang isipin ang isang katotohanan.
Ikaw na ay gumising sa isang panaginip lamang,
Na ang inyong pagmamahalan na siyang ikaw lamang
Ang naniniwalang pagibig ninyo'y walang hangganan.

Ang lahat ng pangarap
Sa iyo lang hinahanap,
Sanay magkatotoo man lamang
Nang sa gayuy hindi maging mangmang