Ito ang huling larawan,
kung saan mo matatamasa
ang huling kaligayahan.
Ng mukha na puno ng kalungkutan,
Ng mga mata na nababalot ng luha.
Bago ako magpaalam
nais kong ipaalam,
ipaalala sa iyo
ang nagdaang "TAYO".
Ang mga alaala na tuluyang na nawala,
ang mga alaala na ibabaon sa luha.
Ang mga alaala na tayo'y masaya
at ang mga alaala na tayo'y maayos pa.
Ang mga alaala na iiwanan ko na muna,
Ang mga alaala na unti-unting nawawala na parang bula.
Ako ay aasa, aasa pa rin
sa buntung-hininga kasabay ng ating ang mga alaala.
Bawat paghinga katumbas ng isa
sa aking mga alaala,
Na kasama kita hanggang sa maubos ang lahat ng natira.
Natira? wala akong ititira
kahit pangalan mo'y pipilitin kung mabura dito sa aking alaala.
"kung pwede lang sana!"
Sana, sana malimot kita
Sana, mayakap pa kita
Sana, makausap pa kita
Sana, maayos pa ang lahat
ngunit ang "lahat" ay mananatiling salita, salita na parang wala! walang silbi!
Walang kwenta walang at magagawa itong mga salita
kahit gawin ko pang kataga mananatili itong wala! wala!
Dahil bingi ka na,
bingi ka na sa aking mga salita,
bingi ka na dahil sa saya
bingi ka na....at sana makarinig ka na.
Pero kahit naririnig mo pa
alam kong magbibingibingihan ka,
Kahit naririnig mo pa alam kong ipagsasawalang bahala mo lang,
Kahit naririnig mo pa di ka naman makaka unawa.
Kaya't sa huling larawan
kahit ang ngiti mo ay hindi buong katotohanan sana iyong ingatan,
Sana iyong pahalagahan
Dahil sa huling larawan mo nalang masisilayan ang aking kaligayahan.
May mga bagay na marahil ay hindi talaga para sa atin sapagkat may inilaan ang Diyos na higit pa kaysa sa nauna. :)
Indeed ate pam @escuetapamela :) ang Diyos lang ang nakakaalam sa lahat.
Magaling... :)
Maraming salamat po :)
Wow, galing ng hugot este tula mo @maanylumanao hehe 👏👌🏻
Sa tamang panahon na hindi mo ene expect darating at darating si pore-eber ❤️
Maraming salamat @joyrobinson :) Oo! Sa tamang panahon at sa will na rin ni God.