Ang mga pangalan at tao sa istoryang ito ay likha lamang ng aking kathang isip... walang pagkakahalitulad sa sinuman na nabubuhay at namatay...
Ang kuwentong ito ay hindi maaaring kopyahin sa anumang paraan, nang walang ipinahahayag na pahintulot ng may-akda sa pamamagitan ng anumang paraan na pag gamit. ©TarsivY
Nandirito ako ngayon sa tuktok ng isang bundok...
Nakaupo sa dulo ng bangin at nakaharap sa lumulubog na haring araw...lumuluha at inaalala ang isang sumpang hindi kita iiwan...balang araw ay makakasama din kita...
Una kitang nakita noong panahong ako ay naglalakbay at sa hinde sinasadyang pagkakataon ay aking nakasalubong ang aking kaibigang babae...at habang kami ay nagkukumustahan ikaw ay dumating...una kong napansin agad ang iyong kakaibang kagandahan...ang iyong mahabang buhok at ang matang nakaka akit...labing mapupula pero bakas sa iyong mukha ang kalungkutan...pero ang aking ikinalungkot sa lahat ay makita na ikaw ay nakasuot ng damit ng isang mag mamadre...dahil sa unang kita ko pa lamang xeo ay parang tayo ay naka tadhana na...at dahil kayo ay nagmamadali nang lumisan dahil magtatakip silim na at papunta sa kumbento ang aking kaibigan at ikaw ay lumisan na...at akin na lamang kayong tinanaw palayo...pero dpa kayo kalayuan ako ay iyong nilingon at ngumiti...
Pagkablik ko sa aking bayan dumiretso ako sa aking tahanan at nahiga na lamang sa haba ng aking paglalakbay at malalim na din ang gabi...pero hindi ako makatulog at magdamag kitang naiisip...sariwa pa sa aking isipan ang iyong kagandahan...at dahil iba talaga ang aking nararamdaman para sa iyo...aking napagdesisyunan na pumunta sa kabisera kung saan andoon ang kumbentong iyong tinutuluyan...
Kinabukasan maaga akong naglakbay at pagkadating ko sa kabisera ng ating bansa ako ay dumeretso sa monasteryo at hinanap ang kaibigan ko na nagpakilala sakin sayo...at nang magkaharap kami ng aking kaibigan tinanong agad nya ako sa aking pakay...dahil sa kagustuhan kong makita ka muli ako ay nagpatulong sa aking kaibigan na makapasok at maging isang alagad ng romano katolika...
Lumipas ang mga araw, buwan at taon pero hindi manlang kita nasisilayan...at sa loob ng apat na taon ko na pagiging seminarista nakitaan nila ako ng kakaibang talino at angking kapangyarihan na pwedeng ipanglaban sa kampon ng kadiliman...
Bago ang araw na ako ay maging ganap na pari...ako ay ipinatawag ng obispo sa kanyang silid...at doon ay sinabi sa akin na ang hari ay may pinadalang mga tauhan at kasama ang kanyang anak na prinsipe sa kastilyong salamin na himlayan ng kanyang yumaong asawa at lumipas na ang ilang araw ay walang pang nakakabalik kahit isa sa kanila kaya ang hari ay nagaalala dahil sa nababalitang muling bumalik sa lupa ang bathala ng kadiliman dahil may mga alagad na impakto ang sumugod sa pamayanan na malapit lamang sa himlayan ng kanyang asawa kung saan ang kanyang ka isa isang anak ay nandoon...at dahil sa aking taglay na kapangyarihan na banal na liwanag at mga kaalaman ng tamang pag gamit mula sa libro ng eksorsismo ako ang napiling ipadala kasama ang paladin at mga crusader ng simbahan...
Kinabukas ng bukang liwayway paglabas ko sa akin pintuan ay naghihintay ang mga sundalo ng simbahan na nasa unahan at isang malaking karuwahe sa likuran...binuksan ng sundalo ang pintuan para sa akin...at laking gulat ko na sya ay nandoon...dalawa silang madre...tama siya ay isang ganap na madre na...at sa loob ng apat na taon na hinde ko sya nasilayan ay walang pagbabago ang kaniyang angking kagandahan...hindi ko namalayan na ako ay nakatitig lamang sa kanya at ako ay nagulat nang batiin nya "kumusta ka father hephaestus" at sa aking pagkapahiya ay namula ang aking mukha at hindi agad nakapagsalita...pumasok agad sa aking isipan na hindi nya nakalimutan ang aking pangalan...at bigla ko din naisip bakit nga ba sya nandirito at ang kanyang kasama...kaya akin siyang tinanong..."sister zhelle ano ang iyong ginagawa rito?" sinagot nya ako na sila ang pinili at ipinadala ng mother superior na tutulong sa akin...pumasok agad sa aking isip ang panganib ng sitwasyon na aming susuungin...unang una kaligtasan nya...ayaw ko sya mapahamak pangalawa masaya ako dahil kasama ko sya at ibang kaligayahan ang nararamdaman ko...
Sa loob ng tatlong araw na paglalakbay ay nanatiling tahimik lang kami at hindi gaanong naguusap pero ang aming mga mata ay laging nagkakatamaan at ngitian na sagutan lamang.
Biglang huminto ang aming karuwahe at sumigaw ang paladin na kami ay nakarating na sa aming patutunguhan...
Paghakbang ko pa lamang palabas ng karuwahe ay naramdaman ko na agad ang kakaibang puwersa na nakakatakot...puwersa ng kasamaan...aking tinanaw ang bulwagan ng kastilyong salamin...may nararamdaman na agad akong kakaibang kapangyarihan sa loob...akin agad kinuha ang bibliya sa aking sisidlan at tumayo sa harap ng malaking pintuan at sinambit ko ang dasal na orasyon...at sa isang iglap ay lumabas ang isang nagliliwanag na staff of wisdom sa harapan ko...at akin itong hinawakann...isa ito sa mga natutunan ko sa pagaaral ng eksorsismo ang magpalabas ng mahiwagang sandata gamit ang orasyon at taglay na kapangyarihan ng liwanag, ito ang nagpapalakas lalo ng spell na aking bibitawan...at nagsimula na akong maglakad at itinulak ang malaking pintuan ng bulwagan ng kastilyo na may halong kaba...dahil ito ang unang pagkakataon na lalaban ako sa kampon ng kasamaan...pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay sumalubong agad sa akin ang malakas na hangin at isang bola na may nagliliwanag na berdeng likido...nagulat ako at dko alam ang gagawin ko....tatamaan ako nang biglang may lumitaw na puting puti sa liwanag na panangga sa aking harapan...at doon tumama iyon...at nakita ko pa na nagtalsikan at bumagsak sa harapan ko ang likidong berde na un at umusok ng dumikit sa sahig at bahagyang natunaw ang ibabaw nito...doon ko lamang napansin na c zhelle at kanyang kasama ay nasa aking likuran at si zhelle may kapangyarihan sya na katulad ng sa akin...
To be continue...
Ayos to a. Ano sa tingin mo toto @tagalogtrail? :D
Edit: Pasensya na Toto haha!
Toto po @leeart :)
Yes maganda po ang kwento. Ngayon lang ako naka basa ng adventure na tema dito. Madalas panay pag-ibig at kababalaghan heheh salamat po sa pa tawag sobra ko po itong naibigan!
Aabangan ko ang susunod na kabanata @tarsivy. Alam ko na gagalingan mo pa lalo dahil aabangan ka din ni @tagalogtrail haha!