Magandang buhay #steemian: ako po ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat sa inyong pagboto sa aking kuwento tungkol sa buhay sa probinsya. Sana po magustuhan nyo ulit ang aking handog na kuwento ngayon .
Galing ito sa pixabay
Alam natin lahat na tayo'y pansamantala lamang ang ating pagtira dito sa mundong ibabaw ngunit bakit ang sakit pa rin kapag may mahal tayo sa buhay na lumisan dahil sila ay nagkasakit at wala man lang tayo'y nagawa upang mabawasan ang kanilang paghihirap. Nararamdaman ko ito ng pumanaw ang aking mga magulang; Pakiramdam ko noon nag-iisa na lang ako at wala ng makakapitan o masusumbungan sa aking mga problema sa buhay. Mabuti na lang bago nawala si inay ay nakapag-asawa na ako at nagkaanak, kahit papaano naibasan ang pangungulila ko sa kanila siguro dahil may matatawag na rin akong pamilya kagaya ng iba kong kapatid na may kanya-kanya ng buhay sa mga panahon na iyon. Ang tanging masasabi ko lang sa mga kabataan ngayon ay sana mahalin o ipadama nila sa kanilang mga magulang ang kanilang pagmamahal habang nasa tabi nyo pa sila dahil hindi natin alam kung kaylan sila lilisan sa mundong ito. Dapat baon nila sa paglisan ang mga magagandang alaala at pagmamahal nyo sa kanila dahil hindi biro ang pagiging magulang base sa aking karanasan ngayon dahil isa na rin akong magulang na pilit tinataguyod ang nag-iisa kong anak na isa na ring #steemian si @kat.cassandra.